Thursday, December 9, 2021

Mga nanay, nasolusyonan ang “nutri-problems”ng kanilang anak sa pagbibigay ng “Lakas at Talas”

 


Ang nutrisyon ay isang seryosong issue, lalo na ngayon kung kailan naaapektuhan ang kalusugan at pinansyal na kalagayan ng pamilyang Pilipino. Ang tibay ng loob na ipinakikita ng mga nanay sa hamon ng panahon ay nagbigay ng inspirasyon sa Alaska Fortified Powdered Milk Drink team na magsagawa ng isang survey para mas maunawaan ang mga pangangailangan sa nutrisyon at mga suliraning hinaharap ng mga pamilya sa panahon ng pandemya.


Kabilang sa mga nakilahok sa survey ay ang mga miyembro ng MOMs of Alaska (MOMAs) Facebook community, isang grupo ng mga nanay na nakatuon sa pagbibigay ng wastong nutrisyon para sa kanilang mga anak. Kahit nananatiling isa sa kanilang mga prayoridad ang pagbigay ng wastong nutrisyon sa pamilya, hindi rin nila ito masyadong nabibigyang-pansin kumpara sa mga isyung nangangailangan ng agarang atensyon tulad ng paghahanap ng paraan para masuportahan ang pamilya, pag-budget ng kita para sa pagkain, health at safety essentials, pagbalanse ng mga responsibilidad sa trabaho at bahay, at iba pa.

 

Nakatanggap ang survey ng halos 300 responses mula sa mga housewife, call center agents, online sellers, mga guro, vendors, at marami pang ibang nanay, nagtatrabaho man o hindi. Karamihan sa mga respondent ng nagsabing nahihirapan silang mag-budget para sa groceries, health essentials at iba pang bayarin, kaya naman naapektuhan ang kakayahan nilang magbigay ng nutrisyon para sa pamilya. Kalahati ng respondents ang nawalan ng trabaho at one-fifth ng respondents ang nahihirapang magbalanse ng responsibilidad sa pamilya.

 

Nakilala namin si Jenevev, street vendor at ina ng dalawang bata, na nagbahagi ng kanyang mga prayoridad sa pamilya. “Kahit na sa panahon ng pandemya, dapat hindi kaligtaan ang kalusugan ng pamilya. Kaya sinisigurado ko po na palaging wasto ang sustansyang nakukuha ng mga anak ko,” sabi ni Jenevev.

 

Hindi lang siya ang nakakaramdam ng ganito, kundi pati na rin ang ibang miyembro ng MOMAs community. Si Jonalene, isang housewife at ina ng dalawang bata, ang nagbahagi rin ng mga hamon na kanyang tinahak sa pagbigay ng nutrisyon sa kanyang pamilya dahil sa problemang pinansyal.

 

“Kahit mahirap i-budget ang PHP 100 a day, sinusubukan ko pa din bigyan ang mga anak ko ng masusustansyang pagkain tulad ng gulay. Simpleng ginisang gulay ay ayos na,” sabi ni Jonalene.

 

Ang kagustuhang magbigay ng wastong nutrisyon sa pamilya ay karaniwang hangarin ng mga miyembro ng MOMAs community. Sa 94% na nagsabing prayoridad pa rin nila ang pagbibigay ng wastong nutrisyon para sa kanilang pamilya, 66.3% ang ay walang pinansyal na kakayahan upang makapag-provide nito. Dagdag pa sa mga problemang ito ang mga pagbabagong dala ng pandemya sa pamumuhay at shopping habits ng mga pamilya. 81.3% ng mga respondents ang nagbibigay prayoridad sa pagbili ng pandemic essentials tulad ng face masks at alcohol kumpara sa ibang mga bilihin, kaya naman hindi nila nabibigyan ng budget ang nutrisyon ng pamilya.

 

Sa kabila ng mga suliraning ito, hinahangad pa rin ng mga nanay ang kalusugan ng kanilang anak at naiintindihan nila ang kahalagahan nito sa kasalukuyang panahon. Bilang mga ina, hinahangad nilang mapabuti ang kanilang mga anak at ginagawa nila ang lahat para alagaan, gabayan at bigyan ng wastong sustansya ang mga ito. Dahil dito, nakahahanap pa rin sila ng mga paraan upang unahin ang kalusugan at paglaki ng kanilang mga anak.

 

Sinusubukan ng mga nanay mula sa MOMAs community ang lahat ng kanilang makakaya upang mapanatili ang kalusugan ng kanilang pamilya. Higit sa kalahati (68.2%) ng mga respondent ang nagluluto ng kung anumang masustansyang pagkain ang pasok sa kanilang budget at ang iba naman (66.3%) ay nagsimulang mag-ehersisyo kasama ang kanilang pamilya. Sa kabutihang palad, mas maraming mga nanay (79.8%) ang nakahanap ng paraan upang masolusyunan ang kanilang mga “nutri-problems” sa pamamagitan ng mga affordable na inumin tulad ng gatas na nakakatulong magbigay ng karagdagang nutrisyon sa kanilang pamilya.

 

Nagbahagi si Arlene, ina ng dalawang bata at online worker, ng kanyang karanasan dito. “Bilang ina, lagi kong inuuna ang wastong nutrisyon para sa aking mga anak, kaya parte ng araw-araw naming pamumuhay ang pagbibigay ng masustansyang pagkain at pagpapainom ng mga bitamina na may iba’t-ibang benipisyo para sa nutrisyon. Kaya naman malaking tulong ang affordable na gatas na may maraming nutrients at benefits para sa kalusugan ng mga anak ko tulad ng Alaska,” sabi ni Arlene.


Ang Alaska Fortified Powdered Milk Drink ay patuloy na nagbibigay ng sustansya sa pamilyang Pilipino, at dahil sa resulta ng survey na ito at sa determinasyong pinakita ng mga nanay sa iba’t-ibang sulok ng bansa, nais ng Alaska na gawing mas accessible pa ang nutrisyon para sa bawat pamilya.

 

Naging malinaw sa isinagawang survey ang mga pagsubok ng mga nanay, lalung-lalo na ang higit na pag-aalala nila sa kalusugan ng kanilang mga anak ngayong panahon ng pandemya. Bilang bahagi ng kanilang misyon na gawing affordable ang nutrisyon, nais ng Alaska Fortified Powdered Milk Drink na patuloy magbigay ng ‘Alagang Alaska’ at sustansya sa pamilyang Pilipino.

 



 

Upang matulungan ang mga nanay na magbigay ng nutrisyon sa kanilang pamilya, inilulunsad ng Alaska Fortified Powdered Milk Drink ang kanilang pinaka-affordable na milk pack na nagbibigay “Lakas at Talas” na nakakatulong sa body at brain development. Ang Alaska Fortified Powdered Milk Drink “Super Sulit Pack” ay available sa 300g sa halagang PHP 70 at mayroong protein, calcium, and vitamin D para sa “lakas” na nakakatulong sa body development, at choline at iodine para sa “talas” na nakakatulong sa brain development. Katambal ang masustansya at well-balanced na almusal, ang Alaska Fortified Powdered Milk Drink ay nagbibigay ng kalidad na nutrisyon sa isang masarap na inumin sa umaga para sa mga bata.

 

Sa paglunsad ng ‘Super Sulit Pack’, nais ng Alaska Fortified Powdered Milk Drink na ipakita ang kanilang commitment sa pagbibigay ng abot-kaya at de-kalidad na nutrisyon para sa pamilyang Pilipino. Sa halagang PHP 70 lang ay patuloy na matutulungan ng Alaska ang body at brain development ng mga bata sa pamamagitan ng masustansyang inumin sa umaga.

 

Ang Alaska Fortified Powdered Milk Drink ay available sa Shopee, Lazada, leading supermarkets at grocery stores nationwide, at mas ginawang abot-kaya sa paglunsad ng 300g “Super Sulit Pack” sa presyong PHP 70 lang. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Alaska Fortified Powdered Milk Drink, bisitahin lang ang www.alaskamilk.com o sundan ang Facebook page nito sa www.facebook.com/alaskamilkph.

No comments:

Century Tuna’s “Saving Our Seas” continues to champion Plastic Circular Economy and strengthens efforts in Reef and Coastal Clean-up

After its successful run in 2023, Century Tuna, the country’s no.1 tuna brand, continues to lead the charge in marine conservation in the Ph...